naglalakad aq puntang Garden Homes Subdivision
Manong A: Mam, papicture naman dyan.
Isip Q: Ngek! Aq ba ang kausap nito... Artista ba q?
Manong B: Mam picture naman tayo dyan..ang cute nyu eh...
Isip Q: Heller! Cute? di ako cute..maganda aq..( Sabay laki ng ulo ko)
Lakad ng mabilis n mabils....talsik pati putik sa legs ko...
Lingon ng konti....naliligo aq....panu na nga pumunta?
Batang nakapantulog: sipol..... sipol ...
Isip q: Langyang batang to..... Sabay napangiti...atleast akala nya sexy aq..
Mamang Nakasakay sa Pedicap: Mam... Ang ganda nyu....
Isip Q: Tse!!! alam ko na yun... Sana sinama ko na lng si bri.....para my bodyguard pa q.... miss him already....hahahaha
Confessions
Ito ang sites ng mga kalokohan, kasiyahan, kapunahan, kalungkutan isama na ang katangahan at iba pa na aking gustong ipagsigawan sa madlang pipol...yeah boi!!!
Labels
- Filipino Way (1)
- Kwentong OFW (1)
Tuesday, October 19, 2010
Tuesday, October 12, 2010
Filipino Way!!!!
Mahalin ang sariling atin. Isa sa pamamaraan upang maipakita ang pagiging Pilipino mo. Pasensya na. Naapektuhan ata ako ng mga libro ni Bob Ong. Pero sa totoo lang kahit di nung di ko pa nababasa ang kanyang libro matagal ko na din namang alam at napupuna ang mga bagay-bagay at hanggang sa makarating nga ako sa ibang lugar eh nadala ko na din. Una ang pagkahilig ng mga Pinoy sa pagsingit sa mga pila… Inaamin ko numero uno ako sa larangan na yan kahit nung nasa kolehiyo pa ako at kailang Kong pumila kapag magpapaenrol ako. Magaling kaming sumingit ng mga kaibigan ko at sa totoo lang nakasarap ng pakiramdam kapag nagawa mong makaisa sa mga taong nagtyaga sa pagpila ngunit nauna ka pa dahil sa abilidad mo.
Ngunit ang saloobin na ito ay biglang kumupas ng maranasan kong makita ang ibang lahi. Libre ang mga shuttle bus sa Macau at kung kailangan mong makapasok ng maaga eh dapat kang pumila ng maaga. Sobrang haba ng pila dun. Kapag dumating na ang bus maayos na sumasakay ang lahat at kung may makapal ng mukhang sisingit kahit pa nakaupo na s’ya sa loob ng bus, pabababain s’ya ng mga tagabantay. Pero atleast hindi katulad dito. Sa Techno Park sa Sta. Rosa Laguna eh may mga jeep na maghahatid sa ‘yo sa loob nito. Pumipila ung mga tao. Sasabihin ng dispatser kung hanggang saan ang makakasakay sa darating ng jeep. Kampante akong pumila. Nabigla ako ng dumating na ang jeep eh nagtakbuhan ang mga tao sa pag uunahan na makasakay sa jeep. Hello!!! Kaya nga pumila eh. Pasensya na pero wala akong magagawa kung hindi ang makitakbo kung ayaw kong mahuli sa interview ko.
Napatawa na lang ako. Naisip ko wala na ko sa Macau. Sa Pinas hindi uso ang martyr. Sabi nga nila binabaril sa Luneta ang martyr. Wala lang kung pwede sanang magbago masmaganda pero naisip ko ang kasabihang “You cannot teach an old dog a new tricks”, ewan ko kung tama ang sinabi ko…pakikorek na lang kung mali.
Kwentong Pasaway ng Isang OFW
Pasaway! Salitang ginagamit para sa mga taong matigas ang ulo at hindi marunong sumunod.
Isa ako dyan! Naalala ko nung nagtatrabaho pa ko sa Macau. Kung hinuhuli ang mga taong mahilig lumiban sa mga bakod na nasa gitna ng kalsada, marahil ay hindi lang limang ulit akong nahuli. Hindi naman sa ipinagmamalaki ko,alam kong mali yun pero kung maghapon ka ba namang nakatayo sa trabaho mo, gaganahan ka pa ba namang maglakad patungo sa overpass o sa tamang tawiran.. Salamat sa mga Chekwang mahilig lumundag sa mga bakod at natutunan kong makatawid patungo sa bus station ng walang kapagod pagod sa paglalakad ( Oh Yes!!!Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil ako lang ang babaeng tumatawid dun, keber!). Partida pa...nakaboots pa ko nun at bestida dahil sasamba ako nun. Kaya lang mukhang nadiscover na ng kinauukulan na palaging may lumiliban sa bakod na yun... sa kasamaang palad tinaasan ang bakod at hinabaan... Kahit lakarin mo pa ang buong kalsada eh wala ka ng makikitang tawiran... Ang malala pa nito isang gabi matapos ibaba ng shuttle bus ang pasahero nito sa kabilang side ng kalsada katapat ng bus station eh hindi ko alam kung panu makakapunta sa kabila dahil sa mga masasamang taong naglagay ng bakod. May mga taong nakita kong bumaba sa hagdan. Hindi ko alam kung susundan ko ito.. Kaya lang may nakaguhit na sign na Barko... Hindi naman ako pupunta ng ferry eh kaya pinasya kong maglakad ng pagkalayo layo na kahit winter nun eh tulo ang pawis ko. Nang makakita ko ng daan patawid sa kabila eh naglakad na naman ako ng pagkalayo layo patungo sa bus station at ng marating ko ang tapat ng pinagbabaan sa amin nakita ko ang mga taong galing sa underpass na my sign na ferry. Gusto kong matawa sa katangahan ko...O mainis dahil napagod ako.. Naisip ko na lang karma yun dahil palagi akong lumiliban sa bakod....

Subscribe to:
Comments (Atom)